Oo, alam ko. Talo na naman. Na naman. Na naman. NA NAMAN. Oo kailangan kong ulitin ng apat na beses kasi apat na beses silang natalo. Oo, masakit. Sobrang sakit talaga. Sobrang sakit talaga. Sobrang sakit talaga. Sobrang sakit talaga. Oo, kailangan kong ulitin ng apat na beses, kasi ganon s'yang kasakit.
Oo, natalo ang Gilas ko, ang Gilas mo, ang Gilas natin.
Sa totoo lang, gusto ko lang talagang ilabas yung labas ng loob ko sa pagkatalo ng Gilas. Kasi sa apat na larong nilaro nila, may tyansa tayo eh. Makakasilat. Makakalamang. Mauuwi 'yung panalo. Kaso lang talaga parang LQ ang Gilas pati ang endgame kaya ayaw talaga. Kahit gaano na kalapit. Kaya lalong mas masakit.
Pagkatapos ng paragraph sa taas, natigil ako sa pagsusulat nito. Kasi ang hirap ilagay sa salita yung lungkot. Sumabay pa yung langit (ulan) at lupa (lindol). Pero kung ako, ganito na. Ano pa silang nasa Sevilla?
Nung nakita ko sa TV yung dying minutes ng laro, nakita ko na si Kraken, si Ping na umiiyak. SINONG HINDI IIYAK? BATO KA KAPAG HINDI KA UMIYAK KAPAG NAKITA MO YUNG DALAWANG YUNG UMIIYAK. Nadurog talaga ang puso ko nung oras na 'yon, alam na alam ko kung gaano kaimportante sa kanila ang laro pero wala eh, talo.
Alam ko, lahat ng naniwala sa Gilas, durog ang #puso ngayon. Siguro yung iba, naghahanap ng masisisi. Siguro yung iba, mabilis nag-move on, bigla na lang linipat 'yung channel ng tv nila. Siguro yung iba, pinagmumura na si Barea tsaka si Balkman. Siguro ako, eto nagsusulat ng sama loob dito. Kasi nga, apat na araw ba namang durugin ang puso mo, ewan ko na lang kung ano ang gawin mo.
(c) solarsportsdesk.ph |
Pero ano nga ba talaga ang magagawa natin? Sa ngayon, hindi ko masasagot 'yan. Kasi nga masakit pa, hindi ko pa naiisip kung ano ang susunod na hakbang. Iiyak muna siguro ako, magpapatugtog ng Sayang na sayang ni Manilyn Reynes o kaya Nanghihinayang ng SideA. Hindi papasok sa klase kinabukasan. Hindi ko rin talaga alam. Pero, sa susunod na araw,
nakikita ko na naman ang sarili kong, nagttweet, nanunuod, sumisigaw, tumitili, tumatalon, para sa Gilas. Kasi ang pusong nadurog ay #puso pa rin, na kayang magmahal kahit gaano pa kasakit 'yan.
#LABANPILIPINAS #PUSO