Kasabay ng pagluluksa ko sa pagbagsak ko sa unang quiz namin sa Journ (Jamich lang?) at sumabay na din ang langit at ang buong sambayanang Pilipino sa pagpanaw ng ating kinikilalang Hari ng Komedya.
Bata pa lang ako, lumaki na ako sa mga palabas sa telebisyon at mga pelikula ni Dolphy, mula sa John en Marsha na sa RPN-9 ko pa napapanuod pati sa Home along 'd Riles sa two, sayang wala s'yang show sa GMA-7. Sobrang simple n'ya lang magpatawa, hindi na n'ya kailangang tumalon sa building para lang matawa ang mga tao, kumbaga in born ang pagiging comedian n'ya. Dahil adik talaga ako sa tv, pati yung mga dating pelikula n'ya napanuod ko din, Silveria na yung isa dun, para s'yang may hawig sa petrang kabayo pero hindi. Ang daming talagang sobrang nakakatawang moments pag pinapanuod ko s'ya pero marahil ang 'di ko malilimutan ay yung pinauso n'yang 'dyaryo hampas'. Tuwang-tuwa talaga ako kapag nirorolyo na n'ya yung dyaryo tapos ihahampas n'ya dun sa slow n'yang kausap.
Noong nakaraang mga linggo, sunod-sunod ang mga balita tungkol sa paghina ng kalusugan ng Hari ng Komedya dahil sa Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) at kung ano-ano pang mga sakit. Nakita at nasubaybayan natin ang paglaban ni dolphy at nakita naman natin na kahit sa ganoong sitwasyon ay nagagawa n'yang ngumiti at tumawa.
Ngayong sa araw ng kanyang paglisan, feeling ko ang sobrang ang saya-saya na sa langit. Sana'y dalhin natin sa ating mga puso ang kagalakang ibinigay n'ya sa bawat Pilipino sa loob ng halos animnapung taon. Mabuhay ka Dolphy! You'll remain in our hearts forever! <3