Dahil bakasyon ang peg ko ngayon, sobrang babad lang talaga ako sa TV, kain at internet etc.. At tuwing tanghali naging 'habit' ko na talagang manuod ng Eat Bulaga dahil (1) ang funny kasi at (2) sobrang funny kasi talaga s'ya. Maliban sa Pinoy Henyo na inaabangan ko dahil baka may FEU ulit na sumali, *insert proud tamaraw here* at minsan nakaka-laughtrip talaga na malapit na sila dun sa sagot di nila mahula-hulaan yung mismong sagot. Ex. Ate: Presidente? Kuya: OO! Ate: (Nabanggit ng lahat maliban si osmena) Kuya: *double face palm*. Hahahaha!
Ang pinaka-favorite ko talaga sa lahat at ang Juan for all, all for Juan, BAYANIHAN of da People. Sobra kasi talaga s'yang nakakatuwa, nakikita ko palang si Jose natatawa na ako what more kung magjjoke pa s'ya. Aside dun sa funny part nung segment na yun, sobrang naappreciate ko yung effort na binuhos ng Eat Bulaga sa pag-iisip ng konseptong na maari pa naman tayong mag-"bayanihan" sa makabagong panahon.
Naisip ko lang, bakit kaya hindi ito gawin ng gobyerno?! Hahaha. Ang korni nitong idea ko, pero feeling ko papatok itis. (nung isang araw ko pa ito ibblog sana kaso tamad na tamad ako, you know) Napagtanto ko, kung ang LGU at NGO magtutulungan na gawing posible na magkaroon ng parang 'kompetisyon' sa bawat baranggay sa bawat munisipyo o lungsod tas kunwari ang price, ineendorse ng isang artista yung lugar nila, and ibig sabihin nun dadayyuhin yung lugar nila kasi may artistang nag-endorse at kung ano-ano pang benefits na pwede nilang makuha plus the ultimate bragging right na sila ang model baranggay in that specific municipality edi = Funds sa gobyerno, dadaming trabaho, mas pagbubutihin ng mga tao ang kalidad ng buhay nila sa kahit maliit na paraan, magiging epektibo ang government officials, gaganda ang paligid, mababawasan ang tambay at sa kalaunan world peace.
Kung ano-ano naiisip ko. Sige bye. :))
No comments:
Post a Comment