Pages

Wednesday, June 27, 2012

Under construction (?)

Trip ko lang ayusin, sensya sa istorbo. :)
Sana gumanda yung blog site ko, parang ako lang. ECHAUZ! =)))

-fin-

Friday, June 22, 2012

"Walang MassComm na bobo." -Ma'am Barro :)

Super fun na friday as in talaga ito. Kasi una, block mayor ako, although alam kong di yun fun kasi magpapaphotocopy lang ako lage, pero still considered as fun na yun, second is tawa lang talaga ako ng tawa buong araw halos.

Kala ko pa naman malalate na ako ng pasok kasi medyo late na akong umalis ng bahay, good thing yung prof namin sa English no show for 2 consecutive meetings so happy happy kame. Nagdecide kami ng Eyn na magpaphotocopy ng handouts for Psych kasi wala kami last meeting. Kwentuhan as usual kami tapos nakita namin si Ate Bianca, chika din. Then, 12 na, psych na namin, HAHAHA. Di ko inakalang Psych class pala iyon kala ko ibang class ang napasukan ko. Grabe, lakas makascientific explicit terms si sir. Pero okay lang, kailangang maging open sa mga ganung bagay, wag mo lang sanayin ang sarili mo na pati ikaw ganun na din ang pananalita. Against the flow ika nga. Kala ko naman napakadaming idi-discuss only to find out na Q and A portion pala ito. Hahaha. Lunch, we ate at KFC tapos na-meet namin yung bowa ni Fabie, for Fabie pwede na yung bowa n'ya choosy pa ba? Emee. Comm100 naman namin, patuloy pa din yung impromptu speaking nila kasi natapos na ako last meeting, medyo madami din yung sumalang and nagbotohan for class officers for our block. Mega ultra laughtrip lang ang nangyari. Idi-discuss sana ni Ma'am Concha yung The Great Media Rush of 1970, kaso lang konti lang ang nagbasa ng readings, edi next week na lang ang peg. Tapos nagpaiwan pa ng reflection questions si auntie, what can you offer to the media eme eme yung tanong tas what made you decide to take up masscomm yata. Sana may sumagot next meeting. Journ101 na the happiest subject para sa akin nowadays sana hanggang sa end ng sem, ito pa din ang happiest. News gathering techniques yung topic and talaga sobrang ang saya magturo ni ma'am. I am learning a lot from her and peg ko syang maging mentor ko sa writing, Echauz. Tapos na yung Journ namin, at sabi ni Eyn na magroom to room kami ulet, nung unang nag-announce kami, ulter mega champi yung announcement, nahiya tuloy ako sa sarili ko, wala kaming spiel at kahit ano, we brought ourselves. Buti na lang kasama na namin sina Ate Ella at Kuya RJ, edi laughtrip na kami. Wala yata kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa. Hahahahaha.


Kasi gusto ko happy ka :)

Thursday, June 21, 2012

Bakit kaya?

Huwell, wala kaming pasok today so, wala naman talaga akong makkwento pag wala kaming pasok kasi lagi lang akong nasa bahay at naka-nganga.

Anyways, try kong mag-imbento ng kwento. Keme! =))
Bakit kaya ang boring talaga pag nasa bahay pero pag nasa labas ka naman gustong gusto mong umuwi?
Bakit kaya may ibang journalist na trip magpunta ng Sulu para gawan ng chismis ang Abu Sayyaf eh sinusubukan na ngang bumangon ng Sulu dyan sa stigma sa kanila?
Bakit kaya ang daming taong natutuwa pag madami silang subscribers, ang totoo nakakadagdag ba ng IQ yon? Keme lang. Peace sa tatamaan.  =))
Bakit kaya ang daming nagpapafollow sa twitter eh choice mo naman kung sino ang iffollow mo o hindi?
Bakit kaya nagpautang ang Pilipinas ng isang BILYONG dolyar sa IMF eh ang dami dami pa nating dapat pagkagastusan? (Sabi ni Mareng Winnie, okay lang naman magpautang tayo, basta ba may kondisyon, eh paano kung takbuhan tayo ng mga pinautang natin at akalaings 5 6 tayo.)
Bakit kaya may mga taong manhid sa nararamdaman ng iba? Baka bato sila?
Bakit kaya ang daming self-righteous?
Bakit kaya ang daming taong nagugutom, walang kapasidad mag-aral, walang pambili ng damit o kung ano man?
Bakit kaya may mga taong nagtatagumpay kahit galing sila sa hirap? Tyaga lang men.
Bakit kaya may ibang feeling matalino? Isa na ako dun, joke.
Bakit kaya nagsusulat pa ako ng blog na ito eh wala naman yatang pumapansin nito?
Bakit kaya ang hirap kumita ng pera?
Bakit kaya masarap daw ang bawal?
Bakit kaya ang daming nabubuntis ng maaga? PBB teens? Joke.
Bakit kaya ang daming taong sobrang melodramatic ang buhay, feeling artista pala? Joke.
Bakit kaya minsan gusto mo yung isang tao pero di ka nya gusto?
Bakit kaya masarap ang leche plan? Wala ng bakit, MASARAP talaga yan.
Bakit kaya dirty ice cream ang tawag sa dirty ice cream? Dirty ba talaga ito?
Bakit kaya dirty kitchen ang tawag sa dirty kitchen?
Bakit Dirty Harry ang tawag kay Alfredo Lim? Dirty ba s'ya?
Bakit kaya ang ganda ko? Please wala ng kokontra.


Bakit, bakit kaya ang sarap magtanong?
Bakit? Bakit kaya?