Pages

Friday, June 22, 2012

"Walang MassComm na bobo." -Ma'am Barro :)

Super fun na friday as in talaga ito. Kasi una, block mayor ako, although alam kong di yun fun kasi magpapaphotocopy lang ako lage, pero still considered as fun na yun, second is tawa lang talaga ako ng tawa buong araw halos.

Kala ko pa naman malalate na ako ng pasok kasi medyo late na akong umalis ng bahay, good thing yung prof namin sa English no show for 2 consecutive meetings so happy happy kame. Nagdecide kami ng Eyn na magpaphotocopy ng handouts for Psych kasi wala kami last meeting. Kwentuhan as usual kami tapos nakita namin si Ate Bianca, chika din. Then, 12 na, psych na namin, HAHAHA. Di ko inakalang Psych class pala iyon kala ko ibang class ang napasukan ko. Grabe, lakas makascientific explicit terms si sir. Pero okay lang, kailangang maging open sa mga ganung bagay, wag mo lang sanayin ang sarili mo na pati ikaw ganun na din ang pananalita. Against the flow ika nga. Kala ko naman napakadaming idi-discuss only to find out na Q and A portion pala ito. Hahaha. Lunch, we ate at KFC tapos na-meet namin yung bowa ni Fabie, for Fabie pwede na yung bowa n'ya choosy pa ba? Emee. Comm100 naman namin, patuloy pa din yung impromptu speaking nila kasi natapos na ako last meeting, medyo madami din yung sumalang and nagbotohan for class officers for our block. Mega ultra laughtrip lang ang nangyari. Idi-discuss sana ni Ma'am Concha yung The Great Media Rush of 1970, kaso lang konti lang ang nagbasa ng readings, edi next week na lang ang peg. Tapos nagpaiwan pa ng reflection questions si auntie, what can you offer to the media eme eme yung tanong tas what made you decide to take up masscomm yata. Sana may sumagot next meeting. Journ101 na the happiest subject para sa akin nowadays sana hanggang sa end ng sem, ito pa din ang happiest. News gathering techniques yung topic and talaga sobrang ang saya magturo ni ma'am. I am learning a lot from her and peg ko syang maging mentor ko sa writing, Echauz. Tapos na yung Journ namin, at sabi ni Eyn na magroom to room kami ulet, nung unang nag-announce kami, ulter mega champi yung announcement, nahiya tuloy ako sa sarili ko, wala kaming spiel at kahit ano, we brought ourselves. Buti na lang kasama na namin sina Ate Ella at Kuya RJ, edi laughtrip na kami. Wala yata kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa. Hahahahaha.


Kasi gusto ko happy ka :)

No comments:

Post a Comment