Akala n'yo siguro emo-emohan ang blog post ko, nagkakamali kayo. =)) Sobrang natuwa lang kasi ako kanina kasi nag-Tales From The Friend Zone marathon ako by Ramon Bautista, actually nung June ko pa s'ya alam, sa hindi ko malamang dahilan hindi ko s'ya napanuod, kahit isang episode man lang. Kanina habang nagttwitter ako, nakita ko sa aking timeline na may niretweet si Sir Ramon Bautista tapos link pala iyon sa TFTFZ. Edi ako naman si nuod. Grabe, real life experiences ito. And ang location nila lagi sa UP Diliman (hihihi Sir ang bias ha :">) Nakakatuwa lang kasi sobrang relate-able yung bawat episodes tapos light lang s'ya sa feeling, hindi tulad nung mga nasa FM Radio, sobrang detailed dun. Sa TFTFZ, brief explanation/story lang pero andun yung emotions and feelings. "Na-friendzoned ka na, may t-shirt ka naman." - Ramon Bautista. Sobrang macocomfort ka talaga sa katagang iyon.
Doon sa mga hindi pa nakakaranas (ay ha ano ito) na makapanuod ng mga video ni Sir RB, eto, mag-marathon din kayo. ENJOY! :) At kung may istorya din kayo ng friendzoning, ipadala lang sa formspring.me/ramonbautista. Nagpadala rin ako ng story ko, baka sakaling magkaroon ako ng Abangers t-shirt. Echauz! =))
EPISODE 1
EPISODE 2 (Story of my life
EPISODE 3
EPISODE 4 Mainit-init pa 'to.
No comments:
Post a Comment