Pages

Saturday, September 21, 2013

To Barangay Ginebra San Miguel:

Hi Ginebra! Andito na naman tayoo, medyo do or die game tayo bukas. Hehe. Alam ko namang sanay na tayo d'yan tsaka ganito rin tayo nung last conference, yung nasa bingit bingit lang yung peg natin. Bukas, kailangan talagang galingan n'yo, lalo pa't lalaro na si Japeth! Sa wakas, medyo okay na yung front court natin, nakakapaglaro na si Kerby (The Rim Protectoooooor) tsaka si Japeth. 

Hindi ko alam kung paano maglaro ngayon yung bagong import ng TNT pero nabalitaan ko medyo parang si Tony Mitchell s'ya pero magaling sa depensa. Kaya mga import defenders, dapat mas tight and depensa kay Fells. Sa mga guards naman natin, wala naman akong marereklamo. Lahat nang assist nilalabas ni LA (sayang lang na-foul out s'ya last game), Jayjay at ni MC47, tapos si Little Robi/Robbie nakapagshare din ng points. Sa mga forwards natin, wala rin talaga naman akong masabi, nagiimprove naman every ball game eh. 

Hindi ko nga talaga alam kung bakit tayo natatalo, pero sana bukas manalo tayo, kahit Petron yung makakaharap natin sa QFinals, kiber muna yon. Ang isipin natin ay ang laro bukas ha? 

Kaya yan at kakayanin 'to mga sir! Tiwala at kapit lang! Darating din ang Good News! 

Love lots, 
KC;)

FEU VS. DLSU Battle for 2nd Place (Post game reaction)

Let me clear this: I am fan of FEU so expect me to be bias here. :)))))))
(c) ph.yahoo.com
What went wrong?

We all know that the FEU is number one in terms of 3 point percentage (which is around 28%) and in this ballgame, they only made 5 out of 34 shots. It was like the ring did not like the 3 points of FEU or something. 

I think the 2-3 zone defense really worked at the paint for us but the downside of having a 2-3 zone defense is, it will be harder for the guards to contest more outside shots from the opposing team and that's what happen. DLSU will always locate for their open shooter especially LA "Threevilla", he just made 6 out of his 11 three point attempts. (His' beyond the arc conversions are bigger than to FEU team as a whole)

For me, playing against La Salle is more difficult on our part because we don't have the strongest of the centers in the UAAP, yes we got 2 imports, Hargrove and Sentchu but Hargrove is more of a PG or SG (according to him, because in the States, his natural position is 1 or 2) and Sentchu really needs to train more to somehow match the other import-centers in the UAAP. Also, we are a guard oriented team, we don't rely much on our centers. Unfortunately, Coach Juno pulled his Twin Towers when FEU was trying to make a run at the end of the 3rd quarter.

Well, FEU still has another game to try to win against DLSU because there is no other game to win but that ballgame obviously. We are on the twice to win disadvantage and the FEU team must find solutions to their poor scoring especially in the Caidic country. 

- Sports Fan Girl :)

Sunday, September 15, 2013

I will still b3lieve!

Hi FEU Cheering Squad! Well, this is my sort of love letter to you *wenk wenk wenk* :)

Wednesday yun ng hapon, uwian na namin. Wala naman kaming magawa, naisipan naming tumambay. May isa kaming kaibigan na nagsabi na baka gusto naming makita yung practice n'yo ng cheerdance. Natuwa ang puso ko, kaya kahit mag-intay pa kami ng gabi para lang makita kayo, sige pumayag ako. 

Sumisilip lang kami sa isang pinto, nakikita namin yung isang parte ng routine na gagawin n'yo. Aminado ako, medyo kinabahan ako kasi hindi n'yo pa magawa ng maayos. Inulit ng inulit, hindi talaga magawa. Hanggang sa pinaalis muna kami ni Coach. Sige, kahit ganun lang nakita namin masaya na din ako. 

Biyernes ng umaga, alas-kwatro ng umaga, pumila na kami para lang makabili ng tickets para sa cheerdance, kahit umulan okay lang. Kahit may sumingit, sige lang, basta makakuha kami ng ticket. 

Sabado, hindi pa din namin alam kung anong theme n'yo, costume, music, hairstyle, at kahit routine n'yo. Hehehe ang galing n'yong magtago (pero okay lang naman, para may surprise factor). Hindi namin alam kung nalinis n'yo ba yung stunt na 'di n'yo magawa. Pero sige, basta alam ko namang gagalingan n'yo bukas at gugulatin n'yo kami. 

Linggo na, eto na, yung pinakahihintay nating panahon, una pa kayong magpeperform, halos lumabas na yata yung puso ko sa rib cage ko sa sobrang kaba, nawala na yung poise ko kung meron man ako nun, at talagang napapadasal na ako nung nakita ko palang kayo. Sige, sabi ko sa sarili ko, kayang kaya n'yo 'to!

Nung nakita ko na kayo sa dancing area (kung yun man ang tawag dun).hindi ko na alam kung anong ginawa ko, hindi ko na nga rin napansin yung mga katabi ko, yung ibang parts din ng sayaw parang di ko na napansin, pero yung isang stunt na tumatak sa akin, yung pinapractice n'yo nung Miyerkules, yung nahihirapan kayong gawin noon, yung stunt na akala ko 'di n'yo magagawa, naperfect n'yo! Nagwala na ako talaga nung panahon na iyon. Sige, may chance tayong mag-place dito!

Announcement of winners na. Lahat na napapadasall, napapakapit, napapapikit na. 2nd runner up, La Salle. Sige sabi ko, kaya pa 'to, baka 1st runner up tayo, tiwala lang. 1st runner up ... UP. Parang nalaglag na talaga yung puso ko nun, pero sige, konting dasal pa, konting tiwala pa, baka naman tayo pa ang champion diba? Champions ... NU pala. Sige, kayo na hehe.

Natahimik kami. Lahat tayo. Baka nga may naiyak pa eh. Sobrang, parang hindi totoo. Pero, alam mo/n'yo para sa amin kayo pa rin ang nanalo :') Hindi man natin naiuwi ang kampeonato, alam kong ang dami n'yo napasaya sa ginawa n'yo. Sobrang salamat sa sakripisyo n'yo para may magandang performance kayo na mapakita sa mga kapwa Tamaraws n'yo. Sige, hindi man ngayong taon, malay natin next year tayo naman ang makapaguuwi ng tropeo. 

Naniwala ako, naniniwala ako at patuloy akong magtitiwala sa inyo, FEU Cheering Squad! I will still b3lieve! 


Love lots, 
KC <3 div="">