Hi FEU Cheering Squad! Well, this is my sort of love letter to you *wenk wenk wenk* :)
Wednesday yun ng hapon, uwian na namin. Wala naman kaming magawa, naisipan naming tumambay. May isa kaming kaibigan na nagsabi na baka gusto naming makita yung practice n'yo ng cheerdance. Natuwa ang puso ko, kaya kahit mag-intay pa kami ng gabi para lang makita kayo, sige pumayag ako.
Sumisilip lang kami sa isang pinto, nakikita namin yung isang parte ng routine na gagawin n'yo. Aminado ako, medyo kinabahan ako kasi hindi n'yo pa magawa ng maayos. Inulit ng inulit, hindi talaga magawa. Hanggang sa pinaalis muna kami ni Coach. Sige, kahit ganun lang nakita namin masaya na din ako.
Biyernes ng umaga, alas-kwatro ng umaga, pumila na kami para lang makabili ng tickets para sa cheerdance, kahit umulan okay lang. Kahit may sumingit, sige lang, basta makakuha kami ng ticket.
Sabado, hindi pa din namin alam kung anong theme n'yo, costume, music, hairstyle, at kahit routine n'yo. Hehehe ang galing n'yong magtago (pero okay lang naman, para may surprise factor). Hindi namin alam kung nalinis n'yo ba yung stunt na 'di n'yo magawa. Pero sige, basta alam ko namang gagalingan n'yo bukas at gugulatin n'yo kami.
Linggo na, eto na, yung pinakahihintay nating panahon, una pa kayong magpeperform, halos lumabas na yata yung puso ko sa rib cage ko sa sobrang kaba, nawala na yung poise ko kung meron man ako nun, at talagang napapadasal na ako nung nakita ko palang kayo. Sige, sabi ko sa sarili ko, kayang kaya n'yo 'to!
Nung nakita ko na kayo sa dancing area (kung yun man ang tawag dun).hindi ko na alam kung anong ginawa ko, hindi ko na nga rin napansin yung mga katabi ko, yung ibang parts din ng sayaw parang di ko na napansin, pero yung isang stunt na tumatak sa akin, yung pinapractice n'yo nung Miyerkules, yung nahihirapan kayong gawin noon, yung stunt na akala ko 'di n'yo magagawa, naperfect n'yo! Nagwala na ako talaga nung panahon na iyon. Sige, may chance tayong mag-place dito!
Announcement of winners na. Lahat na napapadasall, napapakapit, napapapikit na. 2nd runner up, La Salle. Sige sabi ko, kaya pa 'to, baka 1st runner up tayo, tiwala lang. 1st runner up ... UP. Parang nalaglag na talaga yung puso ko nun, pero sige, konting dasal pa, konting tiwala pa, baka naman tayo pa ang champion diba? Champions ... NU pala. Sige, kayo na hehe.
Natahimik kami. Lahat tayo. Baka nga may naiyak pa eh. Sobrang, parang hindi totoo. Pero, alam mo/n'yo para sa amin kayo pa rin ang nanalo :') Hindi man natin naiuwi ang kampeonato, alam kong ang dami n'yo napasaya sa ginawa n'yo. Sobrang salamat sa sakripisyo n'yo para may magandang performance kayo na mapakita sa mga kapwa Tamaraws n'yo. Sige, hindi man ngayong taon, malay natin next year tayo naman ang makapaguuwi ng tropeo.
Naniwala ako, naniniwala ako at patuloy akong magtitiwala sa inyo, FEU Cheering Squad! I will still b3lieve!
Love lots,
KC <3 div="">3>
No comments:
Post a Comment